Wall-mounted Disinfection System, itinayo para sa ASF Safety Measure

Wall-mounted Disinfection System, itinayo para sa ASF Safety Measure
Nag-turnover ang Department of Agriculture-Region II (DA-RFO 2) sa Bureau of Animal Industry (BAI) ng wall-mounted disinfection system sa checkpoint ng Sitio Consuelo, Brgy. Baliling noong ika-21 ng Enero, 2022. Ang disinfection system ay gagamitin upang mas mapaigting ang safety measures laban sa African Swine Fever (ASF).
Nagpahayag din si Sta. Fe Mayor Tidong Benito ng kaniyang suporta upang tuluyan nang mapuksa ang ASF. Agaran nilang hinigpitan ang mga checkpoint simula noong makapasok ang ASF sa Region 2.
Nangako naman si Nueva Vizcaya Provincial Veterinarian Dr. Christopher Seraspi na magde-deploy sila ng mga personnel upang tulungang tumao ang mga DA at BAI employees sa checkpoint. ###
Jan 23
2022