Sa ilalim ng programang ito, magbabahagi ang BAI ng native animals tulad ng manok, baboy, kambing at baka sa mga magniniyog. Sila ay sasanayin sa ilalim ng BAI at Agricultural Training Institute sa pagaalaga at pagpaparami ng mga native animals. Ito ay maaring makatulong sa kanilang kabuhayan at makadagdag rin sa kita. Bukod dito, nilalayon din ng CFIDP na palaguin ang produksyon ng lokal na karne upang matugunan ang tumataas na pangangailangan ng ating bansa.
Kasama sa mga dumalo sina Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Mercedita Sombilla, Davao Oriental Governor Corazon Malanyaon, Philippine Coconut Authority (PCA) Administrator Benjamin R. Madrigal, BAI-National Swine and Poultry Research and Development Center (NSPRDC) Chief Dr. Rene Santiago at Philippine Native Animal Development (PNAD) Head Dr. Gilbert Bolo. Nagbigay din ng video message sina President Ferdinand Marcos, Jr. at Senator Cynthia Villar. ###
Nov 03
2022